MGA LARAWAN
(http://www.stylebistro.com/lookbook/Lea+Salonga) Si Lea Salonga sa kasalukuyan |
(www.songtoday.com) Pakikipanayam kay Lea noong siya ay 18 taong gulang ni Terry Wogan ukol sa pagganap niya sa Miss Saigon
TALAMBUHAYSa tunay na buhay ang pangalan ni Ms. Lea Salonga ay Maria Ligaya Carmen Imutan Salonga. Isinilang siya noong ika-22 ng Pebrero 1971. Si Lea Salonga ay unang anak nina Ganuino Feliciano Salonga at Ligaya Alcantara Imutan. Siya ay kapatid ni Gerard Salonga, isang kompositor. Di tulad ng ibang mga kababaihan na produkto ng pinaghalong lahi ng dalawang bansa, si Lea Salonga ay bunga ng parehong Filipino. Kaya hindi nakapagtataka ang kanyang panlabas na anyo. Ang kanyang tangkad ay 5’2”, mayroon siyang malaking pilat sa noo, ang kanyang ilong ay tulad ng ibang Filipino. Gumagamit lamang siya ng mga makeup mula sa Avon at siya lamang naglalagay nito sa kanyang sarili. Noon, ang kanyang mga damit na sinusuot ay hindi galing sa mga kilalang bilihan, ang kanyang ina lamang ang gumagawa sapagkat ito ay mananahi o dressmaker. Wala rin siyang pagmamanahan ng kagandahan. Ang ina niya ay may katarayan ang hitsura at ang kanyang ama naman ay may maitim na kulay ng balat. Sa pangalan ng kanyang ama at ina ay may makukuhang kahulugan na “kasiyahan” sa dalawang magkaibang lenguahe, ang kanilang unyon ay hindi ganoon kasaya. Ang kanyang mga magulang ay kailanman hindi kinasal, si Lea Salonga at si Gerard Salonga ay anak sa labas. Kung tutuusin, ang kaniyang ama ay hindi kabit ng ama niya. Napagbintangan ang kaniyang ama na nagkaroon ng ibang babae bago pa ang kaniyang ina. Naging usap-usapan na ang magkapatid ay mapapabilang sa ikatlong pamilya ng kanyang ama. Isinilang siya ng kaniyang ina sa pangalang Carmen at lumaki sa Angeles City. Anim na taong silang namalagi doon. Noong oras na ni Lea para mag-aral, dinala silang magkapatid ng ina nila sa Maynila para mabigyan sila ng mahusay na edukasyon. Siya ay nag-aral sa O.B. Montessori Center sa Greenhills, Manila mula elementarya at hayskul. Isa siyang aktibong estudyante sa Produksiyon ng paaralan at nagtapos siya bilang Valedictorian noong siya ay nasa elementarya at nasa mataas na paaralan. Ngunit, may nagprotesta sa pagiging Valedictorian ni Lea, ito ay ang kaniyang kalaban. Sinasabi ng kaniyang kalaban na mas matataas daw ang kaniyang mga marka kaysa kay Lea. Na kaya lamang daw nagging Valedictorian si Lea ay dahil sa mga extra-curricular activities pero kung utak daw o marka ang pagbabasehan, talo daw si Lea. Ngunit, kailanman ay hindi ito napatunayan. Pumasok siya sa Unibersidad ng Pilipinas sa isang programa ng Kolehiyo ng Musika kung saan naglalayong magsanay ng mahuhusay na mga bata sa musika at paggalaw sa entablado. Nag-aral din siya ng Pre-med o BS Biology sa Ateneo De Manila University. Umasa siyang magiging doktor siya ngunit pinigilan siya ng kaniyang kasikatan. Sa gitna ng kaniyang kasikatan o trabaho sa industriya ng mga artista, nakilala niya ang kaniyang napangasawa na si Robert Chien. Nagkakilala sila sa pamamagitan ng pinsan ni Robert Chien na si Cristine. Matapos ng ilan nilang pagkikita, nagkakilala na rin sila at napagpasiyahang lumabas o magdate. Sa unang date nila ay sinabing sabay daw silang sinasabayan ang kanta sa radyo. Matapos ay hiningi ni Robert Chien ang kamay ni Lea para pakasalan siya noong Hulyo sa taong 2002. Nasabi na ang proposal na ito ay tulad ng napapanood sa telebisyon. May kasamang mga bulaklak, kandila, mga kumikinang na ilaw pati na ang unan na luluhuran ni Robert Chien. Pinaghandaan ni Lea at Robert ang kanilang kasal sa loob ng isang taon at kalahati. Naghanap sila ng mga taong mag-aayos ng kanilang kasal na nakakaintindi sa kanilang personalidad para maging maganda at naaayon sa kanilang gusto ang kasal. Gumamit pa sila ng dose-dosenang magazine para sa mga ideya. Ang lugar kung saan ito ginanap ay ang lugar na una silang nagkakilala, Our Lady of the Angels Cathedral. Ang reception naman ay ginanap sa The Millenium Biltmore Hotel. Ang damit ni Lea ay umaayon sa kaniyang masayahing personalidad. Pinili niya ang mga kulay na cranberry, ivory at may halong gold para sa kaniyang damit pangkasal. Ang gumawa ng kaniyang damit pangkasal ay sina Monique Lhuillier. Talagang namamangha si Lea sa mga ginawa ni Monique Lhuillier at ikinatuwa niyang lumaki rin si Monique sa Pilipinas. Sa araw ng kanilang kasal, sinurpresa ni Lea si Robert sa pamamagitan ng paghaharan bago sabihin ang mga salitang “I do”. Ang kaniyang mga kaibigang Filipino ay kinuntyaba niya sa gimik niyang ito. Dumating sina Lea at Robert kasama ang kanilang mga bisita sa The Millenium Biltmore Hotel ng bandang alas singko ng hapon. Ang mga pagkaing hinanda para sa lahat ay butternut squash soup, pear and walnut salad, an entrĂ©e choice of fresh sea bass o filet mignon, at citrus cheesecake para sa panghimagas. Ang keyk ay gawa ni Hansen na tinawag na “French Baskets” na may apat na iba’t ibang flavored layers: chocolate with Kahlua chips, chocolate with chocolate chips, chocolate with chocolate cream, at carrot cake with cream cheese filling. Ang mga bisita nila ay labis na natuwa lalo na nang kumanta ang bagong kasal ng “With You I’m Born Again” alinsunod sa tradisyunal na pagsayaw. Bilang pagkilala sa pagmamahal ng mag-asawa sa musika, isa sa mga ibinahagi nila sa kanilang mga bisita ay isang CD na naglalaman ng kanilang mga paboritong kanta kasama na ang espesyal na kantang kanilang isinulat para sa kanilang araw ng kasal. Ang CD na iyon ay sumisimbolo sa isang masayang kasal at paniguradong kakantahin nila sa mga susunod na taon ng kanilang pagsasama. Biniyayaan sila ng isang anghel o anak na nagngangalang Beverly Salonga Chien. Sabi ni Lea, simula nang dumating ang kaniyang mag-ama ay naiba na ang kaniyang pananaw sa buhay. Ang kaniyang pamilya ang naging inspirasyon niya. Tungkol naman sa spiritwal na buhay ni Lea Salonga, siya ay relihiyosong tao. Naglalaan siya ng oras para sa Panginoon. Sinabi ni Lea sa kaniyang interview na ang pananalig niya sa Diyos ay bunga ng mga nakakamit niya ngayon. Masyadong pinapahalagaan o binibigyang importansya ni Lea ang kaniyang pananalig sa Diyos. Nagkaroon na rin siya ng mga proyekto na may kinalaman sa Panginoon, ang “Harmony in Faith”. Talaga namang kamangha mangha si Lea dahil sa kabila ng kaniyang natatamong karangyaan at kasikatan, hindi parin siya nakakalimot magbalik loob sa Panginoong Maykapal. |
KONTRIBUSYON SA KULTURANG FILIPINO
- Nakilala ang Pilipinas sa buong bansa dahil sa kanyang pambihirang kakayahan sa pagkanta.
- Dinala niya ang Filipino pride dahil sa kanyang mga ginawa at nakamit na mga parangal sa buong mundo.
- Mula nang siya ay nakatanggap ng iba’t ibang parangal sa Broadway, dito nagsimulang mapansin ang talento ng mga Pilipino sa mundo ng teatro.
- Si Lea ang unang Filipino na naging Disney legend dahil sa pagbigay niya ng boses sa dalawang sikat na mga prinsesa ng Disney na sina Jasmine at Mulan.
- Nakatanggap siya ng parangal na isa sa pinakamahuhusay na Filipino-American Heritage award sa New York dahil sa kanyang walang hanggang suporta sa Kulturang Filipino.
MGA GINAWA
Pag-awit
- Small Voice (1981)
- Lea (1988)
- Miss Saigon (Original London Cast) (1990)
- The King And I (Hollywood Studio Cast) (1992)
- Little Tramp – The Musical (1992)
- Aladdin (soundtrack) (1992)
- Lea Salonga (1993)
- Les Miserables - The Dream Cast in Concert (1995)
- Hey Mr. Producer: The Musical World of Cameron MacKintosh (1997)
- I'd Like to Teach The World to Sing (1997)
- Mulan (soundtrack) (1998)
- By Heart (1999)
- Lea... In Love (1999)
- Lea Salonga Live Vol. 1 (2000)
- Lea Salonga Live Vol. 2 (2000)
- Lea Salonga: The Christmas Album (2000)
- Making Tracks (2001)
- Songs from The Screen (2001)
- The Broadway Concert (2002)
- Flower Drum Song (2002)
- Songs From Home (2003)
- 100% Lea Gives Her Best (2003)
- Songs from Home: Live Concert Recording (2004)
- Mulan II (2005)
- The Ultimate OPM Collection (2007)
- Inspired (2007)
- Shelldon (2008)
- Lea Salonga: Your Songs (2009)
- The Journey So Far - Recorded Live at Cafe Carlyle (2012)
Pelikula
- Tropang Bulilit bilang Lisa (1981)
- Like Father, Like Son bilang Angela (1985)
- Captain Barbell bilang Rosemarie (1986)
- Ninja Kids bilang Yoko (1986)
- Pik Pak Boom bilang Rosie (1989)
- Dear Diary bilang Lenny Tacorda (1989)
- The Heat is on in Saigon bilang Kim (1989)
- Aladdin Singing voice of Princess Jasmine (1992)
- Bakit Labis Kitang Mahal bilang Sandy (1992)
- Olsen Twins Mother's Day Special bilang Singer (1993)
- Aladdin Activity Center -Singing voice of Princess Jasmine (1994)
- Sana Maulit Muli bilang Agnes (1995)
- Redwood Curtain bilang Geri Riorden (1995)
- Les Misérables: The 10th Anniversary Concert bilang Éponine (1995)
- Mulan- Singing voice of Mulan (1998)
- Disney's Aladdin in Nasira's Revenge - Singing voice of Princess Jasmine (2001)
- ER bilang Amparo (2001)
- As the World Turns bilang Lien Hughes #2 (2001)
- My Neighbor Totoro bilang Mrs. Kusakabe (2004)
- Mulan II - singing voice of Mulan (2004)
- Disney Princess Enchanted Tales: Follow Your Dreams - Singing voice of Princess Jasmine (2007)
- Les MisĂ©rables: 25th Anniversary Concert – Fantine (2010)
- Allegiance bilang Kei Kimura (2012)
Dula
- The King and I” ng Repertory Philippines noong 1978
- Bida sa “Annie” at nakasama sa iba pang mga produksyon tulad ng
- “Cat on a Hot Tin Roof”,
- “Fiddler on the Roof”,
- ” The Rose Tattoo”,
- ” The Sound of Music”,
- “The Goodbye Girl”,
- “Paper Moon and The Fantasticks”.
- Kim sa Miss Saigon noong1989
- Eponine sa “Les MisĂ©rables” 1993
- Gumanap bilang Sandy sa “Grease”,
- Sonia Walsk sa “They're Playing Our Song”
- Bilang Witch sa “Into The Woods”
- Lizzie sa “Baby”
- Bilang isang imigranteng intsik sa “Flower Drum Song” nila Rogers and Hammerstein noong 2002
- January 3, 2007 ipinahayag na si Salonga ay magbabalik sa Broadway sa Les Miserables, at hahalili kay Daphne Rubin-Vega bilang Fantine
- Grizabella sa Cats noong 2010
Ilan sa kanyang mga Konsiyerto
(www.pep.ph)Sa produksyon ng Ambient Events, LEA,
My Life...ginanap sa PICC noong May 23 and 24, 2008. Isang kolaborasyon
ni Lea, ng kanyang kapatid na si Gerard na isang musical director,ang
FILharmoniKa orchestra, at ang kanyang guro sa industriya na si Freddie Santos. |
(http://www.angelfire.com/musicals/lsalonga/carnegie.html) Lea sa Carnegie Hall (2005) |
MGA AWARD AT PARANGAL
(Lokal)
- Aliw Awards Best Child Performer noong 1980-1982
- Tinig Awards Best Child Singer noong 1983-1985
- Medal of Merit by President Corazon C. Aquino noong 1990
- The Outstanding Young Men (TOYM) Awards noong 1990 sa larangan ng theater arts/music)
- Nanalo sa FAMAS Awards noong 2005 ng Golden Artist Award
- Nanalo ng Festival Prize noong 2008 sa Metro Manila Film Festival para sa Best Theme Song for: Dayo (2008).
- Awardee ng QC Gawad Parangal awards
Filipino Music Awards
- 1986: Best Female R&B Vocal Album of the Year, Lea
- 1993: Best Female Pop Vocal Album of the Year, Lea Salonga
- 1993: Best Female R&B Vocal Album of the Year, Lea Salonga
- 1993: Best Female R&B Vocal Performance, Every Time We Fall
- 1999: Best Vocal Performance of the Year Duo/Group, I Don't Love You Anymore with Ariel Rivera
(Internasyonal)
- Laurence Olivier Award para sa pinakamahusay na actress sa isang dula ; 1990 Miss Saigon
- Drama Desk Award para sa pinakamahusay na actress sa isang dula; 1991 Miss Saigon
- Outer Critics Circle Award para sa pinakamahusay na actress sa isang dula; 1991 Miss Saigon
- Theatre World Award para sa pinakamahusay na actress sa isang dula ; 1991 Miss Saigon
- Antoinette Perry Award for Excellence in Theatre o Tony Award para sa pinakamahusay na actress sa isang musikal; 1991 Miss Saigon
- The Outstanding Filipino Americans in New York Awards (TOFA-NY)
- Unang Pinay na napabilang sa Disney legends noong 19 August 2011
SINASABI NG IBANG MGA ARTISTA O DIREKTOR KAY LEA SALONGA
"Lea is one of the most
talented persons I’ve ever met. She wrote me a note once, when I went to see
her in Les Miz, saying that each time she knew I was in the audience, she was
singing especially for me, and she was seeking me in the dark. When Lea says hello
to you, you feel that you’re the most important person on earth to her and that
she’s so happy to see you. And she does it sincerely. She’s a person I love
deeply, and she’s excessively talented. She’s already an outstanding artist,
but she is going to grow to a level she doesn’t even suspect."
-Claude-Michel Sconberg, gumawa ng
Les Miserables at Miss Saigon
Ayon kay Vincent
Liff, sila ay lubos na natuwa dahil sa kabila mahabang proseso ng paghahanap ng
maaraing gumanap sa Miss Saigon, sa unang pagkakataon ay magagawa na nila ang
palabas. Dahil ito kay Lea Salonga.
Sinabi ni Hollywood actress Anne Hathaway sa VOGUE magazine (December issue) na hindi siya aabot sa husay ng mga Broadway stars tulad nina Patti LuPone at Lea Salonga na parehong gumanap sa karakter na Fantine sa entablado.
"Sana magkaroon ng project, a show, or even a recording with her. Isa sa mga dreams ko 'yon, na magkaroon ng kahit isang recording lang, isang duet with her. That's going to be preserved forever," sabi ni Jed Madela tungkol kay Lea.
Ang director ng Allegiance, Stafford Arima, noong nalaman na gaganap si Lea sa God of Carnage ay sinabi na 'That's good because that really stretches your acting chops, you don't just depend on your singing. You have to also now depend on your other skills.'"
Ang kanyang director sa “God of Carnage” na si Bobby Garcia ay sinabing, “Lea is one of the most fearless performers I know. She will do a show precisely for the challenge it will bring her. She has always been one to break free of her comfort zone. There aren’t many as brave as her around. I have no doubt that she will excel in God Of Carnage, the way she has excelled in practically everything she has set her mind and heart on. I am thrilled to be directing her in this delicious comedy of bad manners.”
Sabi ni Kuya Germs, dahil sa mga ar-tistang kagaya ni Lea Salonga na marunong tumanaw ng utang na loob, hindi niya maaaring pagsisihan ang kanyang ginawang pagtulong noon sa mga baguhan.
“It doesn’t seem possible that Lea is celebrating 24 years in showbusiness. But she always managed to surprise us.” Ani ni Cameron Mackintosh
“You don’t know how lucky you are to be present at one of Lea Salonga’s concerts! I have worked with many talented singers over the years and Lea is one of the easiest to work with. She always gives her all and is so generous with her talent. Her voice is a composer’s dream. During the rehearsals of Miss Saigon, I wrote a counter-melody especially for her in the reprise of “Please”. Every time I listen to the recording I feel that she attained perfection. She makes me a better composer. I love her and I am proud of her.” Galing kay Claude-Michel Schonberg
“Ms. Salonga’s bright, metallically edged voice is a shiny allpurpose instrument that confidently establishes its dominion over whatever musical setting surrounds it” -The New York Times
Sinabi ni Nick Jonas tungkol kay Lea, “I love her! She’s so talented. We actually talked about the Philippines. It (was) nice to meet her. She’s a legend! She’s so sweet. She talked about so many things about the Philippines and Filipinos,”
"Sana magkaroon ng project, a show, or even a recording with her. Isa sa mga dreams ko 'yon, na magkaroon ng kahit isang recording lang, isang duet with her. That's going to be preserved forever," sabi ni Jed Madela tungkol kay Lea.
Ang director ng Allegiance, Stafford Arima, noong nalaman na gaganap si Lea sa God of Carnage ay sinabi na 'That's good because that really stretches your acting chops, you don't just depend on your singing. You have to also now depend on your other skills.'"
Ang kanyang director sa “God of Carnage” na si Bobby Garcia ay sinabing, “Lea is one of the most fearless performers I know. She will do a show precisely for the challenge it will bring her. She has always been one to break free of her comfort zone. There aren’t many as brave as her around. I have no doubt that she will excel in God Of Carnage, the way she has excelled in practically everything she has set her mind and heart on. I am thrilled to be directing her in this delicious comedy of bad manners.”
Sabi ni Kuya Germs, dahil sa mga ar-tistang kagaya ni Lea Salonga na marunong tumanaw ng utang na loob, hindi niya maaaring pagsisihan ang kanyang ginawang pagtulong noon sa mga baguhan.
“It doesn’t seem possible that Lea is celebrating 24 years in showbusiness. But she always managed to surprise us.” Ani ni Cameron Mackintosh
“You don’t know how lucky you are to be present at one of Lea Salonga’s concerts! I have worked with many talented singers over the years and Lea is one of the easiest to work with. She always gives her all and is so generous with her talent. Her voice is a composer’s dream. During the rehearsals of Miss Saigon, I wrote a counter-melody especially for her in the reprise of “Please”. Every time I listen to the recording I feel that she attained perfection. She makes me a better composer. I love her and I am proud of her.” Galing kay Claude-Michel Schonberg
“Ms. Salonga’s bright, metallically edged voice is a shiny allpurpose instrument that confidently establishes its dominion over whatever musical setting surrounds it” -The New York Times
Sinabi ni Nick Jonas tungkol kay Lea, “I love her! She’s so talented. We actually talked about the Philippines. It (was) nice to meet her. She’s a legend! She’s so sweet. She talked about so many things about the Philippines and Filipinos,”
Noong bata palang si Lea Salonga, bilang isang normal na aktres ay nasabihan siya ng isang director ng “You are a bulok actress!
"Maraming mga artistang nakisawsaw. Mag-isip muna kayo bago kayo makisawsaw. Ang sakit nyo. Yan si Jim Paredes ng Apo, tinira ko sa Twitter, si Aiza Seguerra, tinira ko sa Twitter, si Agot Isidro, Lea Salonga, Mylene Dizon, sasabihin ko na lahat, sino pa, Bianca Gonzales ng SNN, susuportahan nyo ba ang mga taong yan? (Audience shouted NO!)
"Anong nagawa nyo? Anong nagawa nyo sa sambayanang Pilipino? (audience said "Wala")
"Kapwa tayo artista, nakagawa ba kayo ng tulong? Nagbigay ba kayo sa Bantay Bata ng isang milyon? Nagbigay ba kayo? Hindi.
"Wag kayo maghuhusga ng kapwa nyo artista. Dapat magkasama tayo dun. Tulungan nyo kami pag nagkakamali kami, wag kayong maghuhusga. Tandaan nyo, ung masang Pilipino ang sumusuporta sa inyo.
"Yan pong mga pangalan na yan, winasak ang pagkatao ko sa Twitter. Yan pong mga taong yan. Jim Paredes ng Apo, Lea Salonga...
"May natulungan ba kayong mga mahihirap?
"Kaya ko lang ho sinasabi to, nagtitimpi ako, ayaw ko tong sabihin, ayokong banggitin ang pangalan nila, pero sa Twitter ho un ang ginagawa nila, ang wasakin ako.”.
Mga Iba pang Blog tungkol kay Lea Salonga
- http://fuckyeahleasalonga.tumblr.com
- http://lifestylecheck101.blogspot.com/2012/07/lea-salonga-and-her-continuing-journey.html
- http://irwinagnes.blogspot.com/2008/01/lea-salongas-blog-at-multiply.html
- http://saritaonline.blogspot.com/2010/05/evening-with-lea-salonga-definitely.html
- http://richardpoonmusic.multiply.com/video/item/25/Richard-Poon-Blog-Lea-Salonga-Your-Songs
- http://www.riaosorio.com/blog_files/tag-lea-salonga.php
- http://www.juice.ph/blogs/buhaypinoy/christmas-with-lea-salonga
- http://bobmasterr.multiply.com/journal/item/37/The-Lea-Salonga-Experience
Ang Opisyal na Blog ni Lea: http://www.leasalonga.com/leas-official-blog
____________________________________________________________________
Talasanggunian:
- Dequino, DL. (2011). Welcome to the ultimate source of everything Lea Salonga on tumblr. Nakuha noong Marso 9, 2013 mula sa http://fuckyeahleasalonga.tumblr.com/page/64
- Montealegre, LL. (2011, Oktubre 29). Lea Salonga named as Outstanding Filipino-American; will receive Heritage Award in New York. Nakuha noong Marso 9, 2013 mula sa http://www.pep.ph/guide/guide/9207/lea-salonga-named-as-outstanding-filipino-american-will-receive-heritage-award-in-new-york
- CD (2011, Agosto 23). Lea Salonga is the First Filipino to Become a Disney Legend! Nakuha noong Marso 9, 2013 mula sa http://www.starmometer.com/2011/08/23/lea-salonga-is-the-first-filipino-to-become-a-disney-legend/#9Wzfpfjb7sbcx4K2.99
- Walang pangalan (2011, Abril 11). Lea Salonga. Nakuha noong Marso 12, 2013 mula sa http://en.wikipilipinas.org/index.php
- title=Lea_Salonga#International_career
- Walang pangalan (2013, Marso 12). Lea Salonga. Nakuha noong Marso 12, 2003 mula sa http://en.wikipedia.org/wiki/Lea_Salonga
- Manis, A. (2004, Enero 10). Lea Salonga & Robert Chien. Nahuha noong Marso 12, 2013 mula sa http://insideweddings.com/real-weddings/lea-salonga-robert-chien?tab=story
- Walang pangalan (2007, Marso 17). Untold Pinoy Stories. Untold Pinoy Story No. 8 Her Mother’s Joy. Nakuha noong Marso 12, 2013 mula sa http://untoldpinoystories.blogspot.com/2007/03/untold-pinoy-story-no-7_17.html
- Goodman, M. (1991, Hunyo 17). The New Princess Lea. Nakuha noong Marso 14, 2013 mula sa http://www.people.com/people/archive/article/0,,20115336,00.html
- Sabillo, A. (2012, January 18). Arts and Culture roundup: Asiong Salonga, Lea Salonga in non-musical, UST’s 400-picture exhibit. Lea Salonga in God of Carnage. Nakuha noong Marso 14, 2013 mula sa http://www.thepoc.net/breaking-news/arts-and-culture/14567-arts-and-culture-roundup-asiong-salonga-lea-salonga-in-non-musical-usts-400-picture-exhibit.html
- Tan, Corrie (2012, Hunyo 11). Lea Salonga turns to stage drama. Nakuha noong Marso 14, 2013 mula sa http://www.asianewsnet.net/news-38550.html
no i know what her life ..
TumugonBurahinsuper i dol ko talga c miss lea ,since i was 10 years old until now ..
REAL LIFE PRODIGY MADAM LEA SALONGA! Sakit.info
TumugonBurahin